Muli na namang tumanggap ng donasyon mula sa bansang Japan ang Bureau of Fire Protection (BFP).
Mismong si Interior Secretary Eduardo Año, ang nanguna sa pormal na pagpapasakamay sa BFP ng dalawamput dalawang emergency vehicles ang ipinasakamay ng gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng embahada nito sa Pilipinas.
Kinabibilangan ito ng mga ambulansya, mga fire trucks at nga rescue trucks.
Ipapamahagi naman sa iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) sa Luzon ang mga nabanggit na emergency vehicles.
Abot na sa 82 units ng emergency vehicles ang naipamahagi ng Japanese government sa Bureau of Fire Protection (BFP) simula noong 2015.
Facebook Comments