BFP San Mateo, Isabela, Handa na sa Pagsalubong sa Bagong Taon!

24

*San Mateo, Isabela -* Handa na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng San Mateo, Isabela sa pagtugon sa anumang maitatalang sunog ngayong pagsalubong sa bagong taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Fire Senior Inspector Franklin Tabingo ng BFP San Mateo, titiyakin nito na magiging fire-hazard-free ang pagsalubong sa bagong taon sa kanyang nasasakupan.

Tuloy pa rin aniya ang kanilang pagpapaalala sa mga residente sa pamamagitan ng kanilang isinasagawang public address system campaign upang makaiwas sa anumang sunog.

Mahigpit rin aniya ang kanilang inspeksyon at pagbabantay sa mga nagbebenta ng paputok sa kabila ng matumal na benta ng mga ito.

Matatandaan na nakapagtala ng isang insidente ng sunog ang bayan ng San Mateo noong nakaraang pasko (2017) ngunit agad ring naapula ng BFP.

Ayon pa kay FSI Tabingo, bukas lamang ang kanilang tanggapan at handang tumugon sa mga tawag o nangangailangan ng tulong sa anumang maitatalang sunog sa pagsalubong sa taong 2019.

Facebook Comments