BFP Santiago City, Handa na ngayong Kapaskuhan!

11

*Santiago City- *Nakaalerto na ngayon ang tanggapan ng BFP Santiago City kaugnay sa kanilang kahandaan sa pagbabantay sa mga maaaring insidente ng sunog ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SFO1 Sonny Pascual, Chief ng Operation Section ay inihayag nito na patuloy umano ang kanilang pag iinspeksyon sa mga business establishments sa naturang Lungsod.

Isa rin sa mahigpit na binabantayan ng BFP Santiago City ay ang mga nagtitinda ng mga paputok upang masiguro na ligtas at hindi iligal ang kanilang ibinebenta.

Target din umano ng kanilang tanggapan ang zero sunog at zero casualty kaya’t puspusan ang kanilang ginagawang pagkilos at pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Kaugnay nito ay patuloy lamang ang kanilang pagpapaalala sa mga Santiagueño na pag-ibayuhin ang pag iingat at pagtalima sa mga ipinapatupad ng BFP upang makaiwas sa anumang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments