BFP, sinanay na rin ng DOH para sa paghawak ng mga taong may sintomas ng COVID-19

Sinanay na rin ng Department of Health (DOH) ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa paghawak sa makikitaan ng sintomas ng COVID-19

Ayon kay BFP -NCR Regional Director Chief Superintendent Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, bilang mga first responders kailangan may sapat silang kaalaman sa paghawak sa kaso ng COVID-19.

Aniya, nakabili na ang BFP ng may 300 personal protective equipment at emergency medical service na  magagamit ng mga first responder at umaasa na madadagdagan pa ito.


Sabi ni Tiu, humihirit  pa  sila sa doh ng karagdagang kagamitan na proteksyon sa COVID -19.

Pinag aaralan na rin aniya ng bfp na  mabigyan ng hazard pay ang mga first responder ng BFP.

 

Facebook Comments