Sa record ng Bureau of Fire Protection o BFP ay umaabot na sa 237 ang insidente ng sunog na naitala sa unang bahagi ng taon hanggang nitong April 17.
42 sa nabanggit na mga sunog ay naganap sa mga residential areas.
Ilan din dito ay sumiklab habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Pangunahing inihalimbawa ng BFP ang sunog sa Happyland, Tondo, Maynila nitong Sabado kung saan halos 500 pamilya ang nawalan ng tahanan.
Ayon sa BFP, delikadong masunugan at mawalan ng bahay ngayong nilalabanan natin ang pagkalat ng COVID-19.
Paliwanag ng BFP, mahirap pairalin sa mga evacuation centers para sa mga nasunugan ang mga hakbang para makaiwas sa virus kabilang ang social distancing at pagpapanatili ng kalinisan tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay.