Ikinatuwa ng Bureau of Fire Protection (BFP) na walang sunog na naganap na may kaugnayan sa paputok at pailaw sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Director Jose Embang Jr., ang Hepe ng BFP, ‘first time’ sa history na wala silang nirespondehang sunog na may kaugnayan sa paputok at pailaw.
Gayunman, mayroon pa ring sunog na naitala pero iba ang dahilan nito.
Kabilang dito ang apat na sunog sa Metro Manila at anim na iba’t ibang lalawigan ng bansa.
Sa datos ng BFP, bumaba ng 95% ang naganap na sunog kung ikukumpara noong nakaraang taon at ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.
Facebook Comments