BGen. Jesus Nelson Morales, itinalaga ni PBBM bilang bagong PSG commander

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong commander ng Presidential Security Group o PSG.

Batay sa anunsyo ng Presidential Communications Office, itinalaga ng pangulo bilang bagong PSG Commander si Brig. General Jesus Nelson Morales.

Kapalit ni Brig. General Ramon Zagala na itinalagang commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines.


Si Morales ay isa sa mataas na opisyal ng Philippine Air Force.

Facebook Comments