Umaapela si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa pamahalaan na maisama sa mabibigyan ng Special Risk Allowance (SRA) ang mga Barangay Health Worker (BHWs).
Nananawagan si Salceda sa Department of Health (DOH), Department of Budget and Management (DBM) at sa Office of the President na baguhin ang Administrative Order 36 kung saan gawing eligible para sa SRA ang mga BHWs na hindi naman nakatalaga sa mga health care facilities pero direkta namang gumaganap sa contact tracing at pamamahagi ng home care packages para sa mga nagpositibo sa sakit.
Giit ng kongresista, ang mga BHW ay lantad din sa panganib na mahawaan ng impeksyon lalo’t sila ang nangunguna sa face-to-face at door-to-door na aspeto ng pagtugon sa COVID-19.
Sa kasalukuyang guidelines ay tanging BHWs na nakatalaga sa healthcare facilities ang eligible na makatanggap ng SRA.