BHWs at 4Ps Parent-leaders, maaaring maging COVID contact tracers

108

Sa pamamagitan ng isang liham ay iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Health Secretary Francisco Duque III na gawing COVID contact tracer ang mga Barangay Health Workers (BHWs).

Ayon kay Drilon, pwede ring gumawa ng nasabing trabaho ang 200,000 na mga magulang na lider ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Pwede rin aniya ang mga kasapi ng mga civil society organization na accredited ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Drilon, organisado na ang lahat ng mga ito pero dapat silang bigyan ng transportation allowance, face shield at face mask.

Ang suhestyon ni Drilon ay solusyon sa naka-aalarmang mabagal na contact tracing efforts ng pamahaalan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments