BHW’s SA SAN MANUEL, SUMAILALIM SA PAGSASANAY

Cauayan City – Kumasa sa pagsasanay ang mga Barangay Health Workers mula sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Ang aktibidad ay naging posible sa pamamagitan ng Rural Health Unit ng San Manuel na pinangungunahan ni Dra. Nikki Rose Agcaoili, katuwang ng Department of Health and Relief International.

Kabilang sa mga tinalakay sa aktibidad ay ang Basic Immunization, Cold Chain Management, at Interpersonal Communication na naglalayong mas mapabuti pa ang kasanayan at pagiging epektibo ng mga local health workers pagdating sa paghahatid serbisyo sa mga San Manueleños.


Samantala, nagpasalamat naman ang alkalde ng nabanggit na bayan na si Municipal Mayor, Hon. Faustino Dy IV, dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsasanay.

Facebook Comments