Siniguro ng (BOC) na sapat ang kanilang mga tauhan na magbabantay ngayong holiday season.
Sa abiso ng customs, mayroon silang skeletal workforce na poposte sa International Terminals at mga warehouses ngayong araw hanggang bukas, araw ng Pasko.
Ito ay para magtuloy-tuloy ang kanilang serbisyo sa publiko at hindi maantala ang anumang transaksyon may kaugnayan sa customs.
Sinabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na kanilang ipapatupad ang no leave, no absence policy na una nilang ginawa noong 2019 SEA games.
Itoy dahil sa inaasahan nilang pagdagsa ng mga pasahero sa domestic at international airport kung saan patuloy silang nakamonitor sa sitwasyon simula ngayong araw hanggang sa unang linggo ng January 2020.
Facebook Comments