BI at DOTr, nagsagawa ng sorpresang inspekayon sa NAIA Terminal 3

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Bureau of Immigration (BI) commissioner Joel Anthony Viado ang sorpresang inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Layunin ng naturang inspeksyon ay para matiyak ang maayos na serbisyo sa paliparan.

Bukod pa rito, nais din nilang tugunan ang mga problemang kinahaharap ng palirapan sa ilalim pa rin ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi naman ni BI commissioner na tiyak nilang maayos ang operasyon maging ang mga pasilidad ng mga terminal sa NAIA.

Samantala, nagpasalamat n`aman ang BI sa DOTr sa patuloy na pakikipagtulungan at ugnayan nito para matiyak na maayos ang karanasan ng mga pasaherong gagamit ng paliparan.

Facebook Comments