Walang report ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa sinasabing pagpapa-deport ng Canadian Immigration kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala pa silang nakakalap na impormasyon sa deportation kay Azurin lalo na’t ang Canada aniya sinasabing nagproseso ng pagpapatapon sa dating PNP chief.
Sinasabing si Azurin ay dalawang araw munang nakulong sa Canadian Immigration Office bago ito pina-deport.
Hindi pa malinaw ang dahilan ng sinasabing pagpigil ng Canadian Immigration kay Azurin.
Lumalabas sa report na September 21,2023 dumating si Azurin sa NAIA-1 via Philippine Airlines flight PR510 via Singapore.
Magugunitang si Azurin at ilang low-ranking police officers ay nadawit sa ₱6.7 billion shabu controversy na naunang inimbestigahan ng Senado.
Ang pugante ay subject din ng warrant of arrest na inisyu ng Davidson County, Sherrif Office, North Carolina, USA para sa limang bilang ng Second Degree Sexual Exploitation of a Minor na paglabag sa Section 14-190.17 ng North Carolina General Statutes.