BI, bukas sa corruption inquiry ng Senado

Mariing pinabulaanan ng Bureau of Immigration (BI) ang pahayag ni Senator Risa Hontiveros na bigo ang ahensyang tugunan ang isyu ng korapsyon sa kawanihan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mula nang maisiwalat ang ‘pastillas’ scheme, nasa 86 na immigration officers sa NAIA ang nasuspinde at nakasuhan ng graft sa Ombudsman.

Bukas aniya sila sa anumang pagdinig na gagawin ng Senado.


Nanindigan din si Morente na hindi silang humihinto para malinis ang ahensya mula sa anumang uri ng korapsyon.

Handa silang magsilbi na may integridad at may propesyunalismo.

Kamakailan, isang law firm travel representative ang naaresto matapos mag-demand ng mataas na immigration fees sa mga kliyente nito.

Facebook Comments