
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport ang isang pasahero na patungo sana ng Tokyo, Japan.
Ayon sa ahensya, natuklasan kasing ang pasahero ay may standing warrant na inisyu ng Gapan City Regional Trial Court dahil sa kaso nitong estafa.
Agad naman itong dinala sa police station para sa karagdagang imbestigasyon matapos na mabasahan ng kanyang karapatan.
Samantala, mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na P10,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Facebook Comments









