BI, inaming hirap sa selective travel ban sa South Korea

Aminado ang Bureau of Immigration o BI na malaking hamon para sa kanila ang pagpapatupad ng travel ban sa mga manggagaling mula sa Daegu City, Cheongdo County at buong probinsya ng North Gyeongsang, South Korea.

Sa Laging Handa briefing sa Malacañang, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na mas madali sana kung buong South Korea ang saklaw ng travel ban.

Sinabi ni Sandoval na hiningi na nila ang tulong ng South Korea government para makapag-isyu ito ng sertipikasyon sa mga paalis nilang kababayan o mga turista na mula sa Daegu City, Cheongdo County at buong probinsya ng North Gyeongsang.


Pero hangga’t wala pa ang ganitong mekanismo, kailangang ipakita ng mga taga-South Korea na papasok sa bansa ang kanilang National ID upang mabatid kung saan sila mismo galing.

Kasunod nito muling ipinanawagan ng B.I. na iwasan na muna magtungo sa South Korea o anumang uncessary na byahe upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.

Facebook Comments