
Itinuturing ng Bureau of Immigration (BI) na banta sa national security ng Pilipinas ang naarestong Chinese na si Joseph Sy.
Ayon kay Immigration Spokerperson Dana Sandoval, pareho ang naging estilo ni Sy kay dating Mayor Alice Guo kung saan may mga pekeng dokumento aniya itong hawak at pinalulutang na siya ay tunay na Pilipino.
Sinabi ni Sandoval na nakakabahala rin ang kaso ni Sy dahil naiimpluwensyahan nito ang mga business community sa Pilipinas dahil sa mga itinayo nitong malalaking negosyo sa bansa.
Si Sy ay inaresto ng Immigration authorities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 matapos siyang dumating sa bansa mula sa Hong Kong.
Facebook Comments









