Itinanggi ng Bureau of Immigration (BI) na magkakasa sila ng operasyon sa entertainment places laban sa mga dayuhan na iligal na nagtatrabaho rito.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, walang katotohanan ang umiikot na impormasyon sa mga group chat na susuyurin nila ang entertainment places na hulihin ang mga dayuhan na iligal na nananatili sa bansa.
Kabilang sa napaulat na iinspeksyunin daw ng BI ang entertainment places sa Maynila kabilang ang mga bar, KTV at music house.
Kasama rin sa sinasabing target ng crackdown ang golf clubs, bowling alleys, internet cafes, amusement parks, casinos, hotels, guest houses at restaurants.
Facebook Comments