BI, mahigpit na ipinapaalala sa kanilang mga tauhan ang pagsusuot ng PPE

Muling nagpa-alala ang Bureau of Immigration sa kanilang mga tauhan na nasa paliparan na ugaling gumamit ng kumpletong personal protective equipment o PPE lalo na kung nasa oras ng kanilang trabaho.

Ito’y dahil sa inaasahang pagdating ng ilang mga Pinoy mula sa iba’t-ibang bansa sanhi ng COVID-19 pandemic.

Partikular na inaabisuhan ng ahensiya ang kanilang mga Immigration officer na humaharap at nagbibigay ng assistance lalo na sa mga special flights ng ilang Pinoy na umaalis at bumabalik sa bansa.


Inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang paalala kasunod ng mga paparating pa o mga ire-repatriate na mga ofw’s mula sa ibang bansa sakay ng sweeper flights sa naia.

Sinabi pa ni Morente na kinakailangan ng karagdagang pag-iingat ng kanilang mga tauhan laban sa COVID-19 kung saan ayaw niyang mapasama ang mga ito sa listahan ng mga nagkakasakit.

Dahil dito, nais ng opsiyal na nasusunod ang inilabas niyang mahigpit na kautusan hinggil sa pagsusuot ng PPE at kabilang dito ay ang gloves, face shield at face mask.

Facebook Comments