Matagumpay na napabalik ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Indian national na pinaghihinalaang mga terorista.
Kinilala ito na sina Manpreet Singh Gill, 23 anyos at Mandeep Singh, 26 anyos.
Sila ay na deport sakay ng isang flight patungong New Delhi, India.
Una rito, ipinag-utos ng Immigration ang agarang pagpapa-deport kay Manpreet dahil sa pagiging undesirable alien nito.
Napag-alaman kasi ng Bureau of Immigration batay sa impormasyon na ibinigay ng United States Federal Bureau of Investigation (FBI) na ito ay may kinakaharap na kasong pagpatay sa kanilang bansa.
Bukod dito ay nahaharap din si Manpreet sa ilang charges hinggil sa unlawful activities prevention act at iba pang kaso.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang kanilang matagumpay na pagpapa-deport sa dalawa ay magdudulot ng kaligtasan sa mga Pilipino mula sa mga undesirable alien na maaaring maging sanhi ng major threat sa bansa.