BI, may paalala sa mga magdiriwang ng Chinese New Year sa ibang bansa

Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng residente sa bansa na magdiriwang ng Chinese New Year sa abroad na ayusin ang kanilang re-entry permit sa anumang BI offices bago sila umalis.

Ang paalala ni Atty. Carlos Capulong, Immigration Port Operations Division Chief, sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe na pipila upang makapag-proseso ng re-entry fees sa immigration cashiers ng departure area sa tatlong NAIA terminals.

Sinabi ni Capulong na ang mga paalis na residente ay may opsyon na kumuha ng nasabing permit sa paliparan o sa anumang BI offices nationwide.


Paalala ng BI official, may 24/7 one-stop-shop sa NAIA terminal 3, kung saan maaaring makakuha ng permit ang mga paalis na pasahero bago ang kanilang flight.

Sa ilalim ng immigration laws, lahat ng dayuhan na rehistrado sa BI at may validated a visa ay dapat kumuha ng exit and reentry permit sa tuwing aalis sila ng Pilipinas, kabilang dito ang permanent residents, foreign students at mga manggagawang may valid Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-cards).

Facebook Comments