Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa social media post ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., kung saan nababahala ito sa instruction ng BI sa mga tauhan nito sakaling dumating ang mambabatas.
Ayon sa BI, ang kanilang instruction sa kanilang mga tauhan ay bahagi ng kanilang protocols sa pag-monitor sa mga indibidwal na may high profile cases.
Kabilang sa protocol ang pakikipag-ugnayan sa local law enforcement agencies hinggil sa pagpapatupad ng Immigration procedures.
Nilinaw rin ng BI na hiniling mismo sa kanila ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) na bilisan ang pagproseso kay Teves sa arrival nito.
Bahagi rin anila ito ng kanilang pagprotekta sa karapatan ng sino mang indibidwal.
Facebook Comments