BI, may proseso nang nakahanda kaugnay ng pagproseso sa mga Pilipinong Muslim na dadalo sa Hajj pilgrimage sa Saudia Arabia

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) ang mabilis na proseso na kanilang ipatutupad sa pagdagsa ng libo-libong Filipino Muslims na dadalo sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia sa susunod na buwan.

 

Ayon sa BI, may proseso silang ipatutupad sa mga paalis na Hajj pilgrims para matiyak na mabilis ang pag-usad ng pila sa Immigration counters.

 

Nakipag-ugnayan na rin ang BI sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) para makakuha ng advance na listahan ng mga Pinoy na dadalo sa pilgrimage.


 

Layon nito na maagang masusuri kung meron sa mga pasahero ang nasa hold departure orders o watchlist orders.

 

7,000 Filipino Muslims ang inaasahang dadalo sa Hajj pilgrimage ngayong taon.

Facebook Comments