BI, may tinutumbok na sindikato sa bentahan ng pekeng Overseas Employment Certificate

May tinutumbok nang sindikato ang Bureau of Immigration (BI) sa bentahan ng mga Overseas Employment Certificate.

Nagbabala rin ang BI na ang mga sindikatong mahuhuling nagbebenta ng pekeng OEC ay mahaharap sa kasong human trafficking.

Nangangahulugan anila ito na wala itong katapat na piyansa o non-bailable offense.


Nabatid na ang pekeng Overseas Employment Certificate ay ibenebenta sa aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) sa halagang 7,200.

Facebook Comments