BI, muling nagbabala sa lahat ng mga banyagang dumadaan sa mga paliparan kasunod ng pagkakaharang sa 2 Koreano na sangkot sa telecom at wire fraud

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga banyagang mayroong mga kinahaharap na kasong huwag nang tangkaing pumasok sa Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng pagkakaharang sa paliparan ng dalawang South Korean national na sangkot sa telecom at wire fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga suspek na sina Kwon Junyoung, 38 years old at Seok Jongmin, 48 years old na naaresto sa Brgy. Cauayan, Angeles City, Pampanga ng fugitive search unit (FSU) ng Immigration bureau.


Si Kwon ay wanted umano ng telecommunications fraud sa South Korea habang si Seok ay hinahanap ng mga awtoridad sa Texas dahil sa pagkakasangkot nito sa wire fraud, money laundering at identity theft.

Nakatakda naman silang pauwiin sa kanilang bansa at ilalagay sa blacklist ng undesirable aliens.

Facebook Comments