BI, muling nagpaalala sa mga gustong mag-abroad matapos maharang ang 3 Africa-bound trafficking victims sa NAIA

Muli na namang nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga gustong mag-abroad na mag-ingat sa mga illegal recruiter matapos maharang ang tatlong biktima ng human trafficking.

Sa report kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-Probes) members na tatlong lalaking biktima na nasa early 40s at late 30s ang edad ang nagpanggap na mga turista patungong Hong Kong na sasakay sana sa Cathay Pacific flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ng tatlo na sila ay employed sa construction industry sa Pilipinas at sila ay magbabakasyon lamang.


Pero sa interview, lumabas na sila ay patungong Ethiopia para magtrabaho.

Inamin ng mga biktima na sila ay pinangakuan ng mataas na sahod pero kailangan nilang magpanggap na mga turista para makalabas ng bansa.

Nasa kustodiya na ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang tatlo habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanilang recruit er.

Facebook Comments