BI, nag-inspeksyon sa NAIA Terminal 3 ngayong unang araw ng taon

Ngayong araw ay naginspeksyon ang Bureau of Immigration (BI) sa pangunguna ni Commissioner Joel Anthony Viado sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) 3.

Ang nasabing inspeksyon ay tungkol sa operasyon ng nasabing terminal.

Bukod sa pag-inspeksyon, nagproseso din si Commissioner Viado ng mga paparating na mga pasahero sa Terminal 3.


Kaugnay nito, wala pa sa ngayong naiuulat na delayed at cancelled flights alinsunod na din sa huling ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at patuloy pa rin ang pagdating ng mga pasahero na lilipad upang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Facebook Comments