BI, nagpaalala na hanggang ngayong araw na lamang papapasukin ng bansa ang mga pasaherong magmumula ng Indonesia

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) na hanggang ngayong araw na lang maaaring pumasok sa bansa ang mga biyahero mula Indonesia at may travel history sa nasabing bansa.

Ito ay dahil sa epektibo na mamayang hatinggabi ang travel ban ng Pilipinas sa Indonesia na tatagal hanggang sa July 31, 2021.

Ang travel ban ng Pilipinas sa Indonesia ay sa harap ng paglobo ng kaso ng COVID-19 doon partikular ang Delta variant.


Ang mga pasahero namang dumating sa bansa mula sa Indonesia ay mahigpit na isasailalim sa 14 na araw na quarantine.

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapatupad ng travel ban sa Malaysia at Thailand dahil pa rin sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments