Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na maging maingat sa mga illegal online recruitment lalo na ‘yung mga Pinoy na gustong magtrabaho sa ibang bansa.
Matatandaan kasi na naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, pasakay na noon ang dalawang Pinay sa Cebu Pacific flight patungong Dubai sa may NAIA Terminal 3 noong Abril 19 subalit nabigong pumasa ng mga ito sa primary inspection ng Immigration.
Dagdag pa ni Tansingco, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon upang mahuli pa ang mga illegal recruiter na nagpapadala ng Pinoy sa ibang bansa upang pagkakakitaan.
Samantala, Na-turn over na ang mga biktima sa kustodiya ng Inter-Agency Against Trafficking para matulungan ang mga ito na makapaghain ng kaso laban sa kanilang illegal recruiters.