BI, naharang ang ilang Pinoy sa NAIA na umano’y biktima ng human trafficking

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang tangkang paglabas ng tatlong Pilipino na biktima ng human trafficking.

Ayon sa BI, kinilala itong si alyas “Rosa”, na naglakbay kasama ang kanyang apat na anyos na anak at isa pang kaibigan upang magkunwaring turista papuntang Kuala Lumpur.

Natuklasang ang tatlong biktima ay ni-recruit online upang magtrabaho sa isang scam hub sa Cambodia bilang customer service representatives.

Tinukoy ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang modus bilang “bitbit scheme” kung saan ginagamit ang mga lehitimong manlalakbay para maitawid ang mga biktima.

Sa ngayon, isinailalim na ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa iba pang legal na proseso.

Facebook Comments