BI, naka-alerto na laban sa grupo ni Alice Guo matapos ang Immigration lookout bulletin order ng DOJ

Naka-alerto na ang Bureau of Immigration (BI) kasunod ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Department of Justice (DOJ) laban sa grupo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa BI, naka-encode na sa system nila ang ILBP para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang grupo ni Guo.

Bukod kay Mayor Guo at Guo Hua Ping, 17 iba pa ang nakalagay sa ILBO.


Binigyan na rin ng instruction ang Immigration officers hinggil sa nasabing kautusan.

Facebook Comments