Naka-alerto rin ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang pumapasok sa bansa ngayong Mahal na Araw.
Layon nito na matiyak na walang illegal aliens na makapapasok sa bansa sa harap ng pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan sa bansa.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 32,000 ang international passengers na pumapasok at lumalabas ng bansa kada araw.
Ito ay mula sa 6,000 kada araw noong nakalipas na taon.
Inaasahang aabot sa 40,000 kada araw na international passengers ang dadagsa sa mga paliparan simula sa Huwebes Santo.
Facebook Comments