BI, naka-heigtened alert na kaugnay ng nalalapit na SEA Games

24

Sa harap ng inaasahang pag-buhos ng mga bisita at mga turista sa nalalapit na South East Asian Games at holiday season, inilagay na ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang kanilang status.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mahigpit ang kanyang direktiba sa mga tauhan ng BI na mahigpit na bantayan ang lahat ng mga papasok at lalabas ng bansa.


Inaasahan kasing aabot sa tatlong porsyento ang itataas ng arrivals at departures ngayong holiday season.

Bukod kasi sa mga balikbayan at turistang bubuhos sa mga susunod na linggo, inaasahan na rin ng BI ang karagdang 8,000 delegates na dadating sa bansa para sa SEA Games.

Kabilang na ang mga atleta, media, technical officials, volunteers, fans, at audiences na dadagsa sa bansa.

Una nang nagdagdag ang BI ng 600 na tauhan para sa nalalapit na SEA Games at holiday season.

Facebook Comments

From Advertisers