BI, naka-standby na sa pagbubukas ng international flights sa Linggo

Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) Officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng pagtatapos ng suspensyon ng international flights sa Linggo.

Sa ngayon ay nasa skeletal deployment ang BI sa NAIA dahil sa pag-assist kaugnay ng flights na hindi sakop ng suspension.

Bukod kasi sa pagsasagawa ng immigration inspection at boarding formalities para sa international passengers, pino-proseso rin ng Immigration officers ang mga piloto at crew ng cargo, maintenance at utility flights na hindi sakop ng suspension.


Bukod pa rito, ang sweeper flights na sinasakyan ng mga dayuhan na pabalik ng kanilang mga bansa matapos na maipit sa lockdown sa Pilipinas.

Patuloy din na naka-duty ang Immigration officers sa seaports para naman sa mga dumadating na cruise ships at cargo vessels sakay ang Filipino seafarers.

Facebook Comments