BI, nakipagsanib-pwersa na sa DOLE laban sa illegal aliens

Nagsanib-pwersa ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa kampanya laban sa illegal aliens sa pamamagitan ng data sharing agreement.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang DOLE sa BI ng data hinggil sa foreign nationals na binigyan nila ng alien employment permits (AEP), certificates of exemption and exclusion.

Gayundin ng mga impormasyon sa mga kinansela at binawing alien employment permits at certificates of exemption.


Ang nasabing data ay magsisilbing resource ng BI para sa pag-beripika ng mga impormasyon na isinumite ng mga aplikante para sa extension ng kanilang working visas.

Facebook Comments