BI, nanawagan sa publiko na huwag nang patulan ang fake news hinggil sa lumapag na eroplano galing Wuhan, China

Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng fake news hinggil sa pagdating ng ilang foreign nationals sa kabila ng travel restrictions na ipinapatupad.

Ito’y kasunod ng nag-viral na post sa social media na isang flight mula Wuhan, China, ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na unang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pawang mga kargamento lang ang laman at walang pasahero.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakaka-dismaya ang mga kumakalat na fake news na ginagamit bilang political propaganda ng ilang grupo na hindi pabor o salungat sa adhikain ng gobyerno.


Iginiit pa ni Morente na hindi ban ang mga flight, at ilang international flights kung saan patuloy pa rin silang nag-ooperate sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay kung saan nagpapatupad ng restriksyon ang BI sa pagpasok at paglabas ng mga tao.

Nagbabala pa ang opisyal sa mga netizens na itigil ang pagpapakalat ng fake news at nararapat na siguraduhing maigi ang nakukuhang balita saka tignan kung legitimate ang sources nito.

Facebook Comments