
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na daan-daang pang mga Pinoy sa Myanmar ang hindi pa nare-rescue mula sa scam hubs sa Myawaddy.
Ayon kay Mary Jane Hizon, hepe ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section, ang mahigit tatlong daang Pinoy repatriates na umuwi sa bansa kahapon ay mula lamang sa isang scam hub sa Myawaddy o ang KK Park.
Sinabi ni Hizon na marami pang scam hubs ang hindi pa napapasok ng mga awtoridad.
Nilinaw naman ni Hizon na mas marami ang Africans na biktima ng human trafficking sa Myanmar, kaysa sa mga Pilipino.
Kinumpirma naman ni Hizon na ang Myawaddy lamang ang lugar sa Myanmar na pinagdadalhan ng mga biktima ng human trafficking dahil napapaligiran aniya ito ng mga bundok.
Facebook Comments









