BI: Pagkakaroon ng Philippine passports ng ilang dayuhan nasa bansa isang national security issue 

Apela ng Bureau of Immigration (BI) sa Department of Justice at National Bureau Of Investigation (NBI) na maging mas mabusisi pa sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Ito ay kaugnay sa usaping mayroong authentic na Philippine passports at iba pang dokumento ng mga dayuhan na narito sa bansa.

Sa bagong pilipinas ngayon, sinabi ni Dana Sandoval, tagapagsalita ng Bureau of Immigration (BI) na maikokonsidera nila itong isang national security issue.


Nakakapangamba aniya kung magamit ang mga authentic Filipino passports na ito sa mga masamang aktibidad.

Ilan lamang aniya sa mga foreign national na nakuhaan ng authentic passports sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay isang Koreano na patungo sana sa Cambodia nitong Lunes.

May tatlong Pakistani ang nahuli naman ng mga awtoridad sa Zamboanga del Sur na nakuhanan naman ng authentic na Philippine national I.D. at Philippine driver’s license.

Ang mga ito ay may koneksyon umano sa mga lokal na teroristang grupo.

Hindi naman inaalis ni Sandoval ang posibilidad na mayroong mga taga gobyerno ang kasabwat sa sindikatong ito na nagpapakalat ng authentic Philippine passports at iba pang mga official Philippine documents kaya dapat lamang aniyang mabusisi nang husto ng mga kinauukulan.

Facebook Comments