BI, pinagsusumite ng Senado ng ebidensya hinggil sa kaduda-dudang presensya ng Chinese students sa Cagayan

Pinagsusumite ni Senador Chiz Escudero ng mga ebidensya ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa presensya ng mga Chinese sa Cagayan na nagsisilbing espiya.

Sinabi ni Escudero na ngayon ay wala pang dapat ikabahala ang publiko maliban na lamang kung may sapat na katibayan na espiya ng China ang mga estudyanteng Chinese sa Cagayan.

Oras aniyang magkaroon ng baseban ang alegasyon lalo na’t may base ang Tsina sa West Philippine Sea (WPS), dapat ipagbawal ang pagkakaroon ng presensiya ng mga Chinese sa lugar.


Iginiit pa ni Escudero na ang unang dapat ipatawag sa pagdinig ng Senado ay ang Bureau of Immigration.

Dapat aniyang magpaliwanag ang BI kung bakit nila pinapasok sa bansa ang malaking bilang ng mga Chinese na nabigyan ng student visa.

Facebook Comments