Hindi na pinapayagan pa ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok ng mga pasahero mula sa 19 na bansa para mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang uri ng COVID-19.
Ito ang inanunsyo ng kawanihan matapos madiskubre ang super spreader virus sa United Kingdom (UK) na kumalat na sa ilang bansa sa Europe, Africa at Asia.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang travel restriction ay makatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating bansa.
Pero nilinaw ni Morente na pinapayagan pa ring pumasok sa bansa ang mga Pilipino sa bansa pero sasailalim ang mga ito sa 14-day quarantine.
Pinapayagan namang umalis sa bansa ang mga outbound passengers alinsunod sa kasalukuyang health protocols ng Pilipinas at ng pupuntahang bansa.
Facebook Comments