BI, tahimik sa isyu ng paglabas ng bansa ni ex-Col. Royima Garma

Tahimik pa ang Bureau of Immigration (BI) sa sinasabing paglabas ng bansa ni retired Col. Royima Garma.

Patuloy namang naka-antabay ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA media sa statement ng BI sa naturang isyu.

Si Garma ay sinasabing lumabas ng bansa noong November 7, 2024 sakay ng Philippine Airlines (PAL).


Sinasabing kasama ni Garma na nagtungo sa Washington DC, USA ang kanyang anak na babae.

Una nang ibinunyag ni Garma sa kanyang pagharap sa House Quad Committee ang sinasabing partisipasyon ng dating Pangulong Duterte sa war on drugs kabilang na ang reward system daw sa mga pulis na nakakapatay sa suspected drug pushers.

Facebook Comments