BI, tatatakan na muli ang mga Chinese Passport na may ‘Nine-Dash-Line’

Tatatakan na muli ng Bureau of Immigration ang mga Pasaporte ng China kahit may nakalarawan dito ang kontroberysal na Nine-Dash-Line.

Ito ay alinsunod sa inilabas na circular ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang utos sa BI, dapat ikabit ang Philippine VISA sa pahina ng Chinese Passport kung saan nakalagay ang Nine-Dash-Line map.


Matatandaang ipinatigil noong 2012 sa ilalim ng Administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pag-stamp ng Chinese Passports sa gitna ng tensyon sa West Philippines Sea at sa hiwala na papel inilalagay ang stamp.

Facebook Comments