Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mananatili parin ang pinaiiral nilang travel restrictions sa harap ng pinalawig na lockdown sa luzon at ilang lalawigan
Dahil rito, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na restricted parin ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ang papayagan lamang aniyang makapasok sa bansa ay mga pilipino, mga asawa nilang dayuhan at anak, at Accredited Foreign Government at International Organization Officials, gayundin ang foreign airline crew.
Ang mga papayagan namang makalabas sa bansa ay mga dayuhan lamang, mga Pinoy na permanent residents o student visa holders sa ibang bansa, at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Una rito, nag-scale down din ng kanilang operasyon ang BI matapos magkansela ng byahe ang ilang airline companies dahil sa travel restrictions bunga ng banta ng COVID-19.