BI, tiniyak na aaksyunan ang hiling ni Manila Mayor Isko Moreno na deportation laban sa mga Chinese na naglagay sa kanilang produkto ng “Manila, Province of China”

Handa ang Bureau of Immigration (BI) na akysunan ang hiling ni Manila Mayor Isko Moreno na deportation laban sa Chinese nationals na may-ari ng cosmetic products sa Binondo, Manila kung saan ang address ay “Manila, Province of China.”

Ayon kay Immigration Acting Spokesman Melvin Mabulac, hindi pa natatanggap ng Immigration Bureau ang liham ni Moreno kay Commissioner Jaime Morente.

Pero agad aniya nilang sisimulan ang aksyon sa hiling na deportation proceedings sa sandaling matanggap nila ang mga dokumento laban kina Shi Zhong Xing at Shi Li Li, kapwa may-ari ng Elegant Fumes Beauty Products Incorporated.


Ayon kay Mabulac, ang Immigration Bureau ay may mandato na magsagawa ng imbestigasyon sa ano mang paglabag ng sinumang dayuhan sa Immigration Laws ng Pilipinas.

Sa sandali aniyang makita nila na may paglabag ang dalawang Chinese nationals na may-ari ng Elegant Fumes ay maghahain agad sila ng deportation charges.

Facebook Comments