Inamin ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 6,000 pasahero ang na-offload sa kanilang flights sa unang dalawang buwan ng taong 2023.
Nagpaliwanag naman ang BI na ang na-offload na mga pasahero ay nakitaan ng red flag kaya hinarang ng Immigration officers ang paglabas nila ng bansa.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, maraming kaso na ang kanilang na-encounter kung saan may mga pasaherong nagpapakita ng dummy tickets at nagpapanggap na mga turista subalit ang tunay na intensiyon ay para magtrabaho sa ibang bansa.
Sa kabila nito, aminado si Sandoval pinaalalahanan din nila ang kanilang travel control at enforcement unit hinggil sa mga panuntunan.
Una nang nagreklamo ang ilang pasahero na sila ay in-offload ng BI kahit na kumpleto naman ang kanilang dokumento at lehitimo ang kanang biyahe sa abroad.