BI, umapela sa publiko na tumulong sa pag-report ng mga overstaying na dayuhan sa bansa

Manila, Philippines – Umapela sa publiko si Immigration Commissioner Jaime Morente na i-report sa kanila ang mga dayuhang overstaying sa kani-kanilang mga lokalidad.

Ayon kay Morente, wala silang sapat na mga tauhan na magmo-monitor sa mga overstaying na mga dayuhan sa Pilipinas kaya mahalaga aniya ang tulong ng publiko.

Ang apela ng Bureau of Immigration (BI) ay kasunod ng pagkaka-aresto sa apat na Indian nationals na overstaying sa Negros Occidental.


Tiniyak naman ng BI na magpapatuloy ang kanilang crackdown operation sa mga illegal alien sa bansa.

Agad anilang ide-deport ng BI ang mga undocumented alien lalo na ang mga puganteng dayuhan sa bansa.

Facebook Comments