BI, wala pang impormasyon kung nakalabas ng bansa ang pamilya Discaya

Wala pang impormasyon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga lumalabas na post sa social media na nakalabas na umano ng bansa ang pamilya Discaya.

Sa gitna ito ng kinahaharap nilang mga isyu sa palpak at mga umano’y ghost flood control projects.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala pa silang impormasyon hinggil dito.

Mula kahapon, ilang posts ang naglipana sa social media na lumapag na umano sa Vietnam kahapon ng hapon ang pamilya Discaya.

Nitong Miyerkules, sinabi ng abogado ng pamilya na si Atty. Cornelio Samaniego III na nasa bansa pa rin ang kaniyang mga kliyente.

Nasa 40 indibidwal ang inilagay sa immigration lookout bulletin order ng Department of Justice (DOJ) kabilang ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Facebook Comments