Thursday, January 22, 2026

BI, wala pang namo-monitor na paglabas ng bansa ng negosyanteng si Atong Ang

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na wala pa rin silang namo-monitor na paglabas ng bansa ng negosyante at gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng nakalabas na umano ng Pilipinas at nasa Cambodia na ang nasabing negosyante.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala silang naitalang departure ni Ang sa alinman sa mga international ports of entry at exit na mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Immigration.

Una nang sinabi ng whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero na si Dondon Patidongan na posibleng gumamit umano ng backdoor si Ang upang makalabas ng bansa.

Sa ngayon, hindi pa kanselado ang pasaporte ni Ang, na nahaharap sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa mga korte sa Lipa City, Batangas at Sta. Cruz, Laguna.

Facebook Comments