Thursday, January 22, 2026

BI wala pang namonitor na paglabas ng bansa ng negosyanteng si Atong Ang

Nilinaw ng Bureau of Immigration na wala pa rin silang namo-monitor na paglabas ng bansa ng negosyante at gaming tycoon na si Atong Ang.

Kasunod ito ng pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng nakalabas na umano ng Pilipinas at nasa Cambodia ngayon ang negosyante.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala silang naitalang departure sa lahat ng international ports of entry and exit na binabantayan ng mga tauhan ng Immigration.

Ganito rin ang sinabi ni Department of Justice Secretary Eric Vida kung saan wala pa raw beripikadong impormasyon kaugnay dito.

Una na kasing sinabi ng whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero na si Dondon Patidongan na posibleng gumamit ng backdoor si Ang para makalabas ng bansa.

Sa ngayon, hindi pa kanselado ang passport ni Ang na nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa mga korte sa Lipa City, Batangas at Sta. Cruz, Laguna.

Facebook Comments