BIBIGYAN NG HUSTISYA | Pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ni Joanna Demafelis, tiniyak ng DFA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joanna Demafelis.

Ito’y kasunod ng pagkaaresto sa mag-asawang employer ni Demafelis na sina Mona Hassoun at Nader Essam Assaf.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, masisimulan na ng pamahalaan ang proseso para mabigyan ng katarungan si Demafelis.


Matatandaang natagpuan ang bangkay ng 29 anyos na OFW sa isang freezer sa Kuwait, higit isang taon matapos siyang maiulat na nawawala.

Facebook Comments